Posted in Let's talk Med!, me-time, Uncategorized

My hanash while in medschool post #1

  1. Sana alam ng mga classmates ko kung paano pahalagahan yung chance na binigay ng parents nila para makapag medicine sila. Kasi sa totoo lang? Naiinggit ako dahil baka isang sem lang ako. Takot na takot akong magstop at bumalik sa dati kong buhay. Kahit may scholarship ako ay di pa rin sapat para mabayaran ng buo yung tuition fee ko for four years. Kaya sana alam nila na may mga kagaya ko na gustong gusto mag aral ng medisina pero di namin kaya. Kung pwede lang at kung gusto na nila himinto ay ako na lang oag aralin ng parents nila eh. Aba! Wala na yatang mas sasaya pa sa balitang yan. Lord, praying pa rin po ako sa provision at yung person na mag ssponsor ng tuition ko. Alam niyo po kung gaano ko kagusto itong ginagawa at gagawin ko pero di ko maiwasan na matakot kahit konti dahil pag walang pera walang tuition tapos po wala na sa medschool. Nakakaiyak. Nakakalumo.
  2. Sana naappreciate nila yung daily allowance nila na di sila namomroblema kung kulang na ba o hindi dahip andiyan si Mom at Dad. Ako kasi kailangan ko mag benta ng puto pao sa canteen para may extra budget. Lord, dumadaing na ako sayo please po. Sana naappreciate nila lahat ng meron sila. Di patas ang buhay.